so i was clearing out boxes and sorting stuff (after five months, i still haven't finished!) when i found these lines, or these lines found me.
paalis ka na.
lulubog na ang araw
sa karagatan ng luhang
di matawid ang kitid ng pampang
hanggang sa pisngi ng aking luklukan.
may tampo sa ungol ng kulog
sa kalangitang nananamlay,
ni isa man lang alapaap
ay walang makiramay.
mamamaalam na ang liwanag.
kumakaluskos na ang lamig.
at hapdi ang hatid
ng bawat buntung-hininga.
===
para sa Tutubing Marikit
paalis ka na.
lulubog na ang araw
sa karagatan ng luhang
di matawid ang kitid ng pampang
hanggang sa pisngi ng aking luklukan.
may tampo sa ungol ng kulog
sa kalangitang nananamlay,
ni isa man lang alapaap
ay walang makiramay.
mamamaalam na ang liwanag.
kumakaluskos na ang lamig.
at hapdi ang hatid
ng bawat buntung-hininga.
===
para sa Tutubing Marikit
No comments:
Post a Comment